Saturday, January 8, 2011

una

oo, una to. ang totoo, madami na dapat pero isa akong dakilang tamad.
fine, so nag-blog ako. at tamang panindigan. katulad ng sinabi ko, pwedeng isa na naman tong outlet ng kagagahan ko. or not.

anyway, so una. fine, unang kwento.

UNANG GINAWA PAGKAGISING - syempre dumilat muna, check ang time sa cellphone. ( at hoping na din na may message,pak!)

UNANG GINAWA PAGBANGON - charge ang cellphone. magkikita kame ni "the girlfriend" at mahirap nang lobat, hello! papatayin na naman ako nun sa kasungitan!

UNANG GINAWA PAGLABAS NG BAHAY- check ang sarili sa salamin. syempre hindi nyo pa alam since una nga to, may istante kame sa labas ng bahay dahil sa fried chicken business namen. at ang istante namen ay multi-purpose,atleast para sakin, dahil ginagamit ko syang salamin

UNANG GINAWA PAGSAKAY NG BUS - nagpa-cute,inayos ang suot na jacket at mahirap na baka madukutan

UNANG DESTINASYON SA ARAW NA TO - araneta ave. tapos sakay ulet ng dyip papuntang CCP

UNANG TEXT KAY "THE GIRLFRIEND" - "bie, araneta na po ko, kita na lang tayo sa skul ah"

UNANG REPLY NI "THE GIRLFRIEND" - san ka na ba? cge po.

UNANG KAKILALANG TAO NA NAKITA - si gilbert.well, mas naunang nahagip ng mata ko si BERTO EH

UNANG CAB SA ARAW NA TO,SA TAONG 2011 - kanina,from ccp to balut, hyundai sya at pagbaba ko ng taxi eh P100 sakto na ang running bill nya.

UNANG KASINUNGALINGAN FOR TODAY - "may binili lang" sagot ko sa tanong ng mama ko kung san daw ako galing. hmmm..yah, sa sta.mesa ko pa kase binili,hehe

UNANG GINAWA SA PC - nag-log in sa downelink, at nag-blog



ayan na ang mga una kong ginawa,at sana mapanindigan ko tong blog na to!

No comments:

Post a Comment