Thursday, January 20, 2011

napaka-hirap magpapayat!

ang akala ko eh makakapag-start na ko mag-diet at magbawas ng timbang since bagong taon na. as usual, 
new year's resolution gone wrong. sabi ko kase, since ang first day ng taon ay saturday, maige na kung sa monday ako mag-start. so eating galore ako hanggang january2 at start ng diet ko ng january3.

nung monday na, january 3, napansin kong madami pa ding pagkain na natira nung new year. at nagpromise na naman ako na next week na mag-diet.

same story the following week. tinatamad pa ko mag diet. next monday na lang.

napansin ko na ang new year's resolution ko ay pinagpapaliban ko na lang every next monday. ang galing!
ngayon ay lumobo na naman ang timbang ko, at sumisikip ang pantalon ko.
asar!
nagkita kame ni "the girlfriend" at hinahanap nya ang relo na regalo nya sakin nung birthday ko. Bakit di ko na daw sinusuot. ang sagot ko, kase ayoko magasgasan. pero ang totoo, hindi na kase sya kasya sakin. argh!!

may ibibigay daw sakin na pampapayat ng ate ni "the girlfriend". effective daw. at nakita ko nga sa ate nya, effective nga. excited na tuloy ako.
ang iniisip ko eh baka gadget na pampapayat, or enrollment sa gym!! yes!! 
ang ibingay sa kin, isang bote ng pills!!
kaso, isang sumpa ng langit, takot ako sa gamot! at ang sinasabi nilang makakapagpapayat sakin, kailangan kong inumin..hay!!!

katulad ng pagda-diet ko, ang pag-inom ko ng slimming pills ko ay on-hold din.
cge, next week na lang, sa monday. game!








No comments:

Post a Comment