Saturday, January 8, 2011

palusot.com

ang alam sa bahay namen eh nagtratabaho ako at pumapasok sa opisina araw-araw.
ang hindi nila alam, para lang akong highschool student na nagka-cutting, umaalis ng bahay pero hindi naman pumapasok.

tapos with matching baon pa yan. hehe.. okay, isa akong dakilang sinungaling, eh ganon talaga eh.
at kaya nga ako nagba-blog kase hindi na kaya ng kunsensya ko,kailangan ko tong i-unload.

fine. so ngayon,kailangan ko na naman pumasok sa "imaginary office" ko. eh SUNDAY pa naman ngayon! weekend at syempre mas masarap na humilata na lang ako sa bahay at mag-dvd marathon kesa magpanggap na may pasok ako sa opisina (at kelan pa naging opisina ang mall?)

so ang kailangan ko ay matinding palusot kung bakit hindi ako papasok ngayon

1. "masama pakiramdam ko, ma!" -  okay,gasgas, at sasabihin pa ng mama ko na nagdadrama lang ako. magaling mag-assess yun ng nagsasakit-sakitan eh. dapat nurse sya sa office namen para naman madaming ma-memohan sa pagfe-fake ng illness!

2. "wala daw kame pasok.." - haha! ano to, highschool?elem? may bagyo at walang pasok? patawa. pero sana ganon din minsan sa trabaho no, ide-declare ng boss "team, tinatamad ako, wala tayong pasok ngayon, sige na, uwi na kayo." naks, magic words. pag naging boss na ako ng sarili kong kumpanya, may mga ganitong moments ako for sure.

3. "hindi ko maiwan si papa eh." - ang papa ko ay nagka-stroke way back when I was in highschool. at gang ngayon ay hindi pa sya gumagaling. so kailangan sya pakainin, tingnan paminsan-minsan, mga ganon. kaso, hindi talaga sya bantayin, at naiiwan sya,pwede.sasabihan na naman ako ng mama ko ng "kung gusto mo mag-bonding sa papa mo, wag sa araw ng pasok mo! umaarte ka na naman! " tsk.tsk,tsk.

wala ng kong maisip na palusot, tsk, papasok na nga lang ako. or maghahanap ng kakilala ng pwedeng dalawin at pagstay-an ng 8 hours. hehe..







No comments:

Post a Comment