nakaka-depress! nade-depress ako as in! hindi ako makapaniwala na pwede mangyari to!
okay, pure conceitedness ang kwentong ito so kung ayaw mo magbasa ng kayabangan, pwede itigil mo na.
pero sa mga nakakaintindi ng kahalagahan ng pagbubuhat ng sariling bangko paminsan-minsan,eh, well, read on.
dahil sa wala nga akong trabaho ngayon at kailangan na kailangan ko ng mag-apply, pumunta ako sa first choice kong kumpanya : MANULIFE
okay, bat manulife? simple lang, gusto ko kase back office position at sa lahat ng opisina sa technohub,(aside from HSBC kung saan e pinanggalingan ko na din!) eto lang ang may account na backoffice.
at backoffice means non-voice.
non-voice means less toxic work.
and less toxic work means laid back work.
laid back work means simple at katamad-tamad na work. okay sa olryt!!
naka-pag apply na din ako dito dati pero hindi ako nakapasa sa interview. madami kase typo error ang resume ko at bukod sa nahirapan akong mag-explain kung bat nag-overlap ang dates ng mga previous employment ko, nahirapan din akong itago ang mga "undeclared" companies.
at marunong naman akong matuto sa mga dati kong pagkakamali so bago pumunta dun, chi-neck ko ng maige ang resume ko. malinis! ayus na! tska nung una akong pumunta dun eh jeans at shirt lang ang suot ko. so pormal-pormalan ako konte, hehe.
so pagdating ko, nag log in ako sa receptionist tapos fill-out ng application form nila. hmm, gusto ko nga palang sabihin, ang OA ng application form nila! kulay green! sakit kaya sa mata! tapos ang mga tanong eh talagang duduguin ka, personal details pa lang yun ah! may isa pang page para sa ESSAY! (dapat dito pa lang eh nagduda na ko, puro kalokohan pala to!)
pagkatapos ng mahabang oras, pinapasok na kame loob ng kwarto. ang gagawin lang pala eh magfi-fill out ng information, sa computer naman. tinamaan ng magaling! ( isa na namang kalokohan)
okay, pagkatapos ulet ng mahabang oras, this is it na! exam time!
ang exam ay 40 items na IQ exam, at sasagutan lang to sa loob ng 15 mins. pag hindi ka pumasa dito, out ka na, di ka na qualified para sa kahit anong posisyon.
tapos nun ay isa pang exam na nakalimutan ko na kung ilang items. at isa pa ulet, na nakalimutan ko din kung ilang items.mas mahabang oras nga lang, pero lahat ng yun, puro MATH!!!!
dahil nakapasa na nga din ako sa exam na yun dati hindi na ko nag-alala. isa pa, puro MATH ang tanong.
HELLO!! I live and breathe MATH!!! sa buong buhay ko, isang bagay lang ang hindi ko kinatamarang gawin (okay bukod sa pagtulog..at pagkain)at yun ay ang pagso-solve ng mga math problems. kase math major ako nung college at hanggang ngayon, puro math lang ang laman ng utak ko.so kung MATH lang din naman ang paguusapan, well. magaling talaga ako dyan.
so, tabi-tabi kame, kanya-kanyang compute. ayos lang, dahil sabi ko nga, confident ako sa lahat ng sagot ko. syempre sinolve ko eh, kung pagbabasehan nga lang ng pag-pasa ay scratch paper, siguradong pasado ako, kase lumabas lahat ng sagot eh.
so tapos na, ang ingay ng iba, ang hirap daw, lalo ng math. ako, sa sarili ko ay naka-ngiti lang, sisiw na sisiw, tapos yung iba eh parang tumae na ng elepante sa hirap. cool!
eto na, resulta. lahat eh binigyan ng papel na may nakalagay kung pasado o hindi.
lintek, ang nakalagay sa kin eh ""We are pleased to inform you that you passed the general examinations that we administered. For now, we will keep your application in our Active File.
what the f__k! nagpapatawa ba to? sino niloko nya? this is their way of saying that I did not pass the exam.
again, katulad ng sinabi ko, ang exam na ito ay puro MATH, mga exercises na minamani lang namen sa klase.
tapos yung isang nagsabi na nahirapan sya,guess what, sya pa nakapasa. lupet diba!
hello manulife, injustice screaming at your face!!! sana man lang eh ininterview nyo ko. at kung hindi ako pumasa, dun ko lang matatangap lahat ng to. nagkamali lang yung taong nag-check ng papel ko, bwiset!!
yabang ko no, pero eto talaga ang totoo. by the way, i meant to say "what the fork! hehe..